
Siguradong kikiligin at punong-puno ng saya mamayang gabi dahil mapapanood ang Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales sa The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Ngayong Linggo (June 30), sasalang sina Gil at Lexi sa nakakatawang segment na "Bawal Tumawa Newscast" kasama ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla.
Maghaharap naman sina Gil at Lexi laban sa comedy duo sa celebrity trivia contest na “Inuman Quiz."
Bukod dito, mas makikilala ang celebrity couple dahil ilang fun facts tungkol sa kanila ang malalaman sa “Phone Raid.” May isa pang surprise game para sa celebrity guests mamaya!
Samantala, ibabahagi nina Gil at Lexi ang “TBATS Top 5: Mga Panira ng Araw.”
Abangan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.