GMA Logo Lexi Gonzales, Gil Cuerva
PHOTO COURTESY: @grantbabia, dennisulit (Instagram)
What's on TV

Gil Cuerva at Lexi Gonzales, sasagutin ang maiinit na tanong sa'The Boobay and Tekla Show'

By Dianne Mariano
Published February 23, 2025 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales, Gil Cuerva


Abangan ang Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzalez sa 'TBATS' mamayang gabi!

Mapapanood na ang last episode ng “Kilig-Tawa: The 7th Anniversary Special” ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (February 23).

Tampok sa upcoming episode ang Kapuso stars at real-life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales.

Sasalang ang Kapuso couple sa “Truth or Dare,” kung saan sasagutin nila ang ilang maiinit na tanong tungkol sa kanilang relationship o sila'y sasabak sa mga physical challenge.

Ira-rank din nina Gil at Lexi ang iba't ibang celebrities base sa nakakaintrigang criteria.

Hindi rin dapat palampasin ang special appearance ni Buboy Villar na magkukuwento tungkol sa kanyang bagong pag-ibig.

Samantala, isang song performance ang hatid ng ating musical guest na si Anthony Rosaldo dahil aawitin niya ang kanyang latest single na “Batubalani.”

Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show mamayang 10:05 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.