GMA Logo Gil Cuerva, Lexi Gonzales
PHOTO COURTESY: lalexigonzales (IG)
What's on TV

Gil Cuerva, inilahad ang sikreto sa masayang relasyon nila ni Lexi Gonzales

By Dianne Mariano
Published July 11, 2023 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benilde, Letran renew rivalry in NCAA 101 Volleyball Finals
Iraq qualifies for World Cup with win over Bolivia
This dual-wave RF may be the definitive solution for stubborn melasma

Article Inside Page


Showbiz News

Gil Cuerva, Lexi Gonzales


Ano kaya ang sikreto sa masayang relasyon nina Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales?

Nakisaya ang Kapuso stars at real life sweethearts na sina Gil Cuerva at Lexi Gonzales sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (July 9).

Sa kanilang pagbisita sa programa, sumalang sina Gil at Lexi sa “Bawal Tumawa Newscast” kasama ang TBATS hosts na sina Boobay at Tekla.


Matapos ito, nagbigay ng trivia si Boobay para sa viewers tungkol sa Kapuso couple. “Alam n'yo ba noong una pong guesting nina Gil at Lexi rito sa TBATS, hindi pa sila mag-jowa noon,” pagbabahagi ng komedyante.

Biro naman na dagdag niya, “Pero ngayon, kasal na sila!”

Tinanong din ni Boobay sina Gil at Lexi kung ano ang sikreto sa masayang relasyon.

“Basta happy Lexi, happy life gano'n,” ani Gil.

Sumabak din ang guest celebrities kasama sina Boobay at Tekla sa laro na “Inuman Quiz,” kung saan ang players na magkakamali ng sagot ay kailangang uminom ng mystery drink.

Bukod dito, sumalang din sina Gil at Lexi sa “Phone Raid,” kung saan nagbasa ng random messages ang hosts mula sa cellphone ng guest stars. Ano-ano kaya ang kanilang malalaman?

Matapos ang “Phone Raid” ay nagkaroon naman ng “Bag Raid,” kung saan tiningnan nina Boobay at Tekla ang nilalaman ng bag ng StarStruck Season 7 First Princess.

Isa sa mga nakita ng hosts sa bag ni Lexi ay posas. Bakit kaya ito nasa loob ng bag ng aktres? Alamin sa video sa ibaba.

Bago natapos ang masayang gabi, inisa-isa nina Gil at Lexi ang limang nakakasira ng araw sa “TBATS Top 5.”

Para sa tuloy-tuloy na tawanan at good vibes, subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA, GTV, at Pinoy Hits.

SAMANTALA, TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA GIL CUERVA AT LEXI GONZALES SA GALLERY NA ITO.