What's Hot

Gil Cuerva, may bagong goal matapos manalo ng gold sa Jiu-Jitsu

By Kristian Eric Javier
Published March 15, 2024 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No separate item budget for ICI in proposed 2026 budget —Sen. Gatchalian
Landslide occurs at upland road in Talisay City, Cebu anew
Bobby Ray Parks Jr. pens sweet birthday message for wife Zeinab Harake

Article Inside Page


Showbiz News

gil cuerva


Ano pa ang guston maabot ng Kapuso Hunk actor na si Gil Cuerva? Alamin dito:

Matapos makakuha ng gold medal si Gil Cuerva sa kauna-unahan niyang Jiu-Jitsu tournament, naghahanda na ngayon ang aktor para maabot ang kaniyang next goal: ang maging certified na black belt.

Sa interview niya kay Cata Tibayan para sa "Chika Minute" ng 24 Oras, ikinuwento niya kung papaano siya nagsimula sa sport.

Ayon sa aktor, dati pa naman siya mahilig sa martial arts at isang araw, nag-attend siya ng trial class ng Jiu-Jitsu.

“I ended up falling in love with it. I received so much support from my coaches and my teammates that I decided to just give it my all para makita ko lang kung hanggang saan 'yung maaabot ko,” sabi niya.

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL RIN NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:

Dagdag pa ni Gil, hindi naman siya magaling sa sport noong nagsisimula siya. Sa katunayan, lagi raw siyang natatalo sa sparring at napapagod sa training.

“Nobody starts Jiu-Jitsu good and I learned to enjoy the process of learning,” sabi niya.

Noong March 12, inanunsyo niya sa kaniyang Instagram page ang pagkapanalo sa pinakauna niyang kompetisyon. Sa palagay niya, hindi pa siya handang lumaban noon.

“There's still so much room for improvement (I've only been training for about 9 months) but I'm enjoying the process of learning and the grind to becoming better,” caption niya sa post.

Dagdag niya, “First gold of hopefully more to come. Oss! ”

Sa interview niya sa 24 Oras, sinabi ni Gil na ang biggest win niya sa kompetisyon ay ang pag-register at sign up niya para sumali.

“Dun pa lang, I felt like I already won or something,” sabi niya.

Nagbigay rin ng paalala ang aktor na huwag matakot i-reinvent ang sarili at magtiwala lang sa kayang gawin.

Sa huli ay nag-iwan si Gil ng payo para sa mga nanonood, “If there's any piece of advice that I can give to people, it's that a great support system can take a man so far.”