GMA Logo Lexi Gonzales Gil Cuerva
What's on TV

Gil Cuerva reveals three qualities he loves about his GF Lexi Gonzales

By Dianne Mariano
Published February 9, 2023 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lexi Gonzales Gil Cuerva


Kinumpirma ni Sparkle actor Gil Cuerva na girlfriend na niya ang 'Underage' lead star na si Lexi Gonzales sa latest episode ng 'Fast Talk with Boy Abunda.'

Iba't ibang maiinit na tanong ang sinagot ni Kapuso hunk Gil Cuerva nang sumabak siya sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda kahapon (February 8).

Sa nasabing segment ng naturang programa, kinumpirma ng Filipino-Spanish actor na girlfriend na niya ang kapwa Sparkle artist na si Lexi Gonzales.

“Yes or no. Girlfriend mo na ba si Lexi?” tanong ng batikang talk show host na si Boy Abunda.

“Yes,” diretsong sagot ni Gil.

Para sa aktor, si Lexi ang bias niya sa programang Running Man Philippines, ang pinakamagandang Kapuso actress, at ang taong nagpapakilig sa kanya ngayon.

Ang Underage lead star din ang huling tao na sinabihan ni Gil ng “I love you” at ang taong madalas niyang kausap ngayon.

Tinanong naman ni Tito Boy si Gil kung ano ang tatlong katangian na nagustuhan niya kay Lexi.

“She's kind, she's hardworking, and she's caring,” mabilis na sagot ng actor-model.

Alamin ang iba pang sagot ni Gil sa “Fast Talk” segment sa video na ito.

Unang kinumpirma ni Lexi ang tunay na estado ng relasyon nila ni Gil noong January sa episode ng Updated with Nelson Canlas podcast.

Sa guest appearance ng aktres sa nasabing podcast, ibinahagi rin niya ang mga katangiang nagustuhan niya kay Gil.

“Persistent siya. Hindi siya 'yung the type na… kasi tayong mga babae minsan, aminin na natin kahit minsan ang ibig sabihin natin yes, sasabihin natin no, ayoko no. Pero hindi siya magsa-stop sa gano'n. Talagang masugid siya, talagang hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha sa akin 'yung gusto ko sabihin.

“Pero ngayon we're working on… siyempre kapag kayo na talaga diyan na 'yung dapat maayos 'yung communication. Hindi na puwede 'yung, no means yes or yes means no,” paliwanag niya.

Ayon pa sa StarStruck graduate, patuloy na ipinapakita ni Gil ang pagiging ma-effort nito, na isang bagay na ikinahahanga ng aktres.

“Genuine siya. He's really smart and he takes the extra effort to guide me- I mean to teach me things kasi I'm younger. Parang madalas naman niyang sinasabi sa akin 'yun. So he's really there to help me. And not just that, but also someone I can really rely on,” aniya.

Mapapanood naman sina Lexi at Gil sa coming-of-age drama series na Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SILIPIN ANG MOST ATTRACTIVE LOOKS NI GIL CUERVA SA GALLERY NA ITO.