GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Gilas Women's 3X3 team at national athletes sa Speed Climbing, magtatapat sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 3, 2026 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senior citizen patay, 11 sugatan sa salpukan ng van at truck sa La Union
PNP group in hot water after alleged irregular ops in Iloilo
Check out the Binibining Pilipinas queens' national costumes

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Narito ang mga aabangan sa tapatan ng Gilas Pilipinas 3x3 at The Speed Climbers.

Mapapanood ang exciting na Friday showdown ng mga sports champion sa Family Feud ngayong Biyernes.

Ngayong July 3, maghaharap ang Gilas Pilipinas 3x3 at The Speed Climbers.

Binubuo ang Gilas Pilipinas 3x3 ng national team of female basketball players. Pangungunahan ito ni Mikka Cacho, isang five-time UAAP champion na kabilang sa mga kumatawan sa bansa sa 2026 Asian Beach Games sa Sanya, China. Nasungkit nila ang silver medal sa women's 3x3 event.

Makakasama niya sina Afril Bernardino, isang three-time SEA Games gold medalist at miyembro ng FIBA 3x3 Asia Cup All-Star Team; Kacey Dela Rosa, two-time UAAP MVP na naging bahagi ng Philippine team sa FIBA Women's World Cup 2026 Qualifiers, kung saan nagwagi ang bansa ng silver medal; at Camille Clarin, ang three-time UAAP women's basketball champion.

Family Feud

PHOTO SOURCE: Family Feud

Samantala, ipakikita naman sa The Speed Climbers ang mga miyembro ng Philippine Sport Climbing Team na naging bahagi rin sa 2026 Asian Beach Games.

Pangungunahan sila ni John Forones, na nagtala ng bagong national record sa sport climbing individual event kahit noong nakaraang taon lamang siya naging bahagi ng national team.

Makakasama rin niya sina Juan Miguel Azuprado na nagsimulang sumabak sa sport climbing noong bata pa lamang at minsang itinampok sa dating GMA morning talk show na Mars; Gerardo Acebedo IV; at Kevin Jeffrey Pascua, isang SEA Games Obstacle Course Racing gold medalist at OCR Elite at Youth coach.

Siguradong magiging masaya at puno ng kompetisyon ang fresh episode ng Family Feud ngayong Biyernes, July 3, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.