
Aminado ang direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar na minsan ay naaapektuhan siya sa mga pamba-bash sa kanya.
Ayon kay Direk Gina, dumami biglang ang nagpa-follow sa kanyang Instagram account dahil sa bashers.
"'Yung Instagram account ko, hindi puntahin ng tao, so 'yung mga followers, hindi mabilis dumami," kuwento ni Direk Gina.
"But lately, napapansin ko, I have 3000 visits in one week. In three days, I have 2000 visits, 'yung mga ganun."
Dagdag pa ni Direk Gina, mayroon din namang iba na magaganda ang mga sinasabi sa kanya.
"Hindi naman lahat, mayroong ibang pleased sa nangyayari sa show.
"'Yung iba lang talaga, you know, I think kung ano 'yung nasa isip nila na gusto nila kalabas sa show, 'yun yung gusto nilang mangyari sa show.
"Some of them I answer, mayroon [din] namang magagalang [na] masarap kausapin."
Panoorin ang buong interview ni Direk Gina:
Pinagbibidahan ng mga makikinang na artista ng GMA na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo ang Prima Donnas, na mapapanood Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.
Puwede na rin mag-catch-up ng full episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.
WATCH: 'Prima Donnas' director Gina Alajar, kilala ang crush ni Sofia Pablo?
Aiko Melendez thanks the woman behind 'Prima Donnas,' director Gina Alajar