
Isang natatanging pagganap mula kay actress and director Gina Alajar ang matutunghayan ngayong Sabado sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Gaganap siya dito bilang Leni, ina ng tatlong binatang maaakusahan ng panggagahasa.
Magawa kaya ni Leni na linisin ang pangalan ng kanyang mga anak?
Makakasama ni Gina sa episode ang sina William Lorenzo, Joaquin Domagoso, Kim de Leon, at Dave Bornea.
Abangan ang "Huwag Kang Susuko," November 18, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: