
Nilinaw ng beteranang aktres at direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar na hindi siya isang person under investigation (PUI).
Nakarating ang balita sa batikang direktor na may isang diyaryo na nagsabing isa siyang PUI kaya naman matapang niyang inilabas ang resulta ng kanyang COVID-19 test sa Facebook noong Sabado, March 28.
“I was told that a newspaper writeup said I am a PUI…very late info na po,” sulat ni Direk Gina sa caption ng kanyang post.
"Negative ang COVID test ko and wala akong pneumonia."
Base sa resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine, negatibo ang resulta ng ginawang test kay Direk Gina noong March 14.
'Prima Donnas' stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo, may mensahe sa health workers