
Bilang beteranang aktres at magaling na direktor, marami nang napagdaanan si Gina Alajar sa kabuuan ng kanyang karera.
Pero bukod sa pagiging artista at direktor, isa ring fan si Gina bagay na hindi niya ikinahihiya bagkus ay ipinamamalaki pa. Sa katunayan, lumabas ang pagiging tagahanga nito nang um-attend sa 'Reach You' fan-meet ng Korean actor na si Ji Chang-wook sa SM Mall of Asia Areana noong Nobyembre 6.
Sa isang video na pinost ni Ina Feleo, makikita si Gina, is pang beterang aktres at direktor na si Laurice Guillen, at si Djanin Cruz, anak ng batikang aktor na si Tirso Cruz III sa isang restaurant. Sila ang magkakasamang nagtungo sa nasabing fan-meet.
Sa kanilang kwentuhan, may mga mga words of wisdom na ibinigay si Gina para sa mga kapwa artista.
“Kayong mga artista, dapat maging mabait kayo sa mga fans kasi napakahirap maging fan!” aniya.
Sinabi rin ni Direk Laurice at Gina na worth it ang effort at kawalan ng tulog para makita ang Korean star.
“Pinag hihirapan natin pero worth it kasi mabait,” sabi ni Laurice.
Si Ji Chang-wook kilala sa mga pagganap niya sa iba pang Korean dramas tulad ng 'Suspicious Partner' at 'Lovestruck in the City.'
Bukod sa Pilipinas, nakatakda rin siyang pumunta ng Jakarta, Indonesia at Seoul, Korea para sa unang parte ng kanyang tour.
Samantala, sa gitna ng kuwentuhan ng mga aktres, nabanggit din ni Ina ang kakayahan ni Gina na umiyak on que. Bukod doon ay kayang din nitong piliin kung saang mata babagsak ang luha niya.
“Yeah, kaya ko i-control yun, pero madali namang ituro ''yun basta si Ji Chang-wook,” sagot ni Gina.
Si Gina ay gumaganap bilang Lola Joy sa Start-Up PH, ang Philippine adaptation ng hit Korean series na pinagbibidahan nila Alden Richards, Bea Alonzo, at Yasmien Kurdi.
Ayon sa director-actress, naging challenging daw ang pagganap niya sa isang mabait na role matapos ang ilang kontrabida roles na nauna na niyang ginawa.
SAMANTALA, SILIPIN SI GINA BILANG LOVING LOLA SA KANYANG MGA REAL-LIFE APO SA GALLERY NA ITO: