
Hindi man sabay na pumasok sa industriya, parehong naging acting coach nina Alden at Maine si Direk Gina Alajar.
Hindi man sabay na pumasok sa industriya, hindi naman nagkakalayo ang takbo ng karera nina Alden Richards at Maine Mendoza. Sa katunayan ay pareho sila ng acting coach - si Direk Gina Alajar.
Ngayong linggo ay ibinahagi ni Direk Gina sa kanyang Instagram na ang Philipine DubSmash Queen ang isa sa mga pinakabago niyang estudyante pagdating sa acting. At tila dahil sa tagpong ito ay napabalik-tanaw ang batikang aktres sa panahong ang Pambansang Bae naman ang kanyang tinuruan.
READ: Maine Mendoza, tumatanggap ng acting lessons kay Direk Gina Alajar
"I directed him in his life story for Magpakailanman… In 2013, no kalyeserye, no AlDub, no commercials yet… You have gone a long long way @aldenrichrards. [I’m] very happy for you! Stay grounded and grateful," bahagi ni Direk Gina.
Makalipas ang isang araw mula sa kanyang post, di inaasahang nagtagpong muli sina Direk Gina at Alden.
Kwento niya, "@aldenrichards02 can brighten up anyone's day by his sweetness and very warm attitude… And of course he saw my previous post. You will always have my support Tisoy."