What's Hot

Gina Alajar pays tribute to Armida Siguion-Reyna

By Jansen Ramos
Published February 14, 2019 4:50 PM PHT
Updated February 14, 2019 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay-pugay ang multi-awarded actress at Onanay director na si Gina Alajar sa yumaong entertainment icon na si Armida Siguion-Reyna. Read more:

Nagbigay-pugay ang multi-awarded actress at Onanay director na si Gina Alajar sa yumaong entertainment icon na si Armida Siguion-Reyna.

Gina Alajar
Gina Alajar

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Gina, "paglaki ko gusto kong maging katulad mo... matalino, matapang, may paninindigan, at mayaman..."

Ibinahagi din ni Gina na anak ang turing sa kaniya ng late actress/singer.

Sulat niya, "tumaba ang puso ko ng sinabi ni Monique [Villonco] at Bibeth [Orteza] na ako ang iyong other daughter habang pinapakilala sa kanilang mga kaibigan..."

Sulat pa niya, "Sabi ko sa sarili ko, Tita Midz, maraming salamat sa iyong pagmamahal, dama ko 'yun, salamat at itinuring mo akong anak.

"Salamat sa pagtitiwala mo, salamat sa mga itinuro mo sa akin... mananatili 'yun sa puso ko...

"Mahal na mahal kita -- ang iyong anak, Gina."

Sabi ko sa sarili ko “paglaki ko gusto kong maging katulad mo”... matalino, matapang, may paninindigan, at “mayaman” (😬🤣😂)...tumaba ang puso ko ng sinabi ni Monique at Bibeth “na ako ang iyong other daughter”, habang pinapakilala sa kanilang mga kaibigan... Tita Midz maraming salamat sa iyong pagmamahal, dama ko yun, salamat at itinuring mo akong anak. Salamat sa pagtitiwala mo, salamat sa mga itinuro mo sa akin... mananatili yun sa puso ko... Mahal na mahal kita --- ang iyong anak Gina

A post shared by Gina (@ginalajar) on


Pumanaw si Armida noong Lunes, February 11, sa edad na 88 sanhi ng cancer.

Ayon sa Facebook post ng writer/director na si Bibeth Orteza, ang memorial service para sa kaniyang mother-in-law ay hanggang Biyernes, February 15, alas 11 ng gabi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.