
Challenging ang bagong role na gagampanan ng beteranang aktres na si Gina Pareño sa upcoming episode ng Wish Ko Lang, ang "Lola, Ninakawan!"
Ngayong Sabado, November 26, bibigyang buhay ni Gina ang kwento ni Delia, isang lolang na-diagnose na may dementia.
Kahit nagiging makalimutin na sa mga nangyayari sa kanyang paligid, maayos pa ring namumuhay si Lola Delia sa tulong ng kanya asawang si Lolo Leonardo (Nanding Josef) at apong si Nelcy (Crystal Paras). Ipinapaalala ng mga ito kay Lola Delia ang pagmamahalan na mayroon silang pamilya.
Pero sinamantala ng masasamang loob ang sakit na ito ni Lola Delia at nagawang pagnakawan ng pera. Kahit na nakita ni Lola Delia kung sino ang nagnakaw ay agad din naman niyang nakalimutan ito.
Makakasama rin ni Gina sa episode na ito sina Natasha Ledesma, Anjo Damiles, at TikTok star Fonzi.
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Lola, Ninakawan!" ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI GINA PAREÑO SA GALLERY NA ITO: