GMA Logo Wish Ko Lang instant winner
What's Hot

Ginang na nag-selfie at nag-comment, naging instant winner sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published September 6, 2021 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider who obstructs fire responders in Bacolod City identified
Student punches female classmate in Tagkawayan, Quezon
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang instant winner


Isang ginang na asawa ng construction worker ang naging instant winner matapos manood ng bagong 'Wish Ko Lang' at mag-comment ng kanyang hiling.

Tuloy-tuloy ang pagbibigay pag-asa at inspirasyon ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales at ng programang 'Wish Ko Lang.'

Nitong Sabado lamang, isang ginang ang agad natupad ang hiling matapos manood ng “Bokasyon” episode, mag-selfie at mag-comment sa 'Wish Ko Lang' official Facebook page.

Ang masuwerteng instant winner ay si Celia Antonio, isang ginang na may asawang nagtatrabaho bilang construction worker.

Ayon sa pinost na comment ni Celia sa 'Wish Ko Lang' FB page, tulad ng karamihan, naging mahirap para sa kanilang pamilya ang buhay ngayong panahon ng pandemya.

Ang asawa kasi ni Celia na construction worker, tatlong beses na lang kada linggo may trabaho at Php 500 a day lang ang kita.

Dagdag pa riyan, may inaaalagan din siyang senior citizen na may sakit at may sanggol din siyang anak.

Kaya naman lagi raw sumusubaybay sa bagong 'Wish Ko Lang' si Celia, at nagbabakasakaling mapili o manalo.

Ang post ng instant winner na si Celia Antonio sa Wish Ko Lang Facebook page / Source: Wish Ko Lang

At nito ngang Sabado, September 4, si Celia ang naging lucky instant winner ng Php5,000.

Natupad na rin ang wish niya na magkaroon ng dagdag puhunan para sa kanyang tindahan.

Ikaw din, puwedeng maging instant winner. Tumutok lang tuwing Sabado sa bagong 'Wish Ko Lang' at abangan ang post sa official Facebook page kung saan mo dapat i-comment ang iyong hiling.

Abangan din ngayong Sabado ang Part 2 ng “Bokasyon” starring Kris Bernal, Juancho Trivino, Elijah Alejo, Althea Ablan, Will Ashley, Maxine Medina, Alexandra Abdon at Bryan Benedict.

Kaya manood, mag-selfie at mag-comment na sa bagong afternoon habit ng bayan, ang 'Wish Ko Lang,' tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong 'Wish Ko Lang' sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: