What's on TV

Gio Alvarez, pag-aartista talaga ang gusto mula pagkabata

By Maine Aquino
Published February 24, 2021 3:05 PM PHT
Updated February 24, 2021 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eastern Visayas areas cancel classes, sea travel due to TD Ada
PIDS sees PH economy growing 5% in 2025, 5.3% in 2026
'Greenland 2: Migration' is now showing in PH

Article Inside Page


Showbiz News

Gio Alvarez


Maagang nagsimula si Gio Alvarez sa showbiz at ibinahagi niya ang iba't ibang bagay na kanyang natutunan sa kanyang career.

Inamin ni Gio Alvarez na wala siyang ibang gustong gawin kahit noong bata pa lamang siya kung hindi mag-perform sa pelikula at telebisyon.

Isa si Gio sa mga artistang nagsimula sa showbiz simula sa kanyang pagkabata at nananatili ang kaniyang pagmamahal sa pag-arte hanggang ngayon.

Nang magsimula si Gio si showbiz, kasabay niya ang kaniyang mga kapatid na sina Guila at Luigi Alvarez.

Ibinahagi ng Babawiin Ko Ang Lahat actor na marami na siyang natutunan sa ilang taon niya sa showbiz at ang goals niya para sa kaniyang future.

Kuwento ni Gio sa episode ng Just In nitong February 17, marami siyang gustong gawin pero ang kanyang career sa showbiz ang lagi niyang binabalik-balikan.

Photo source: @gio__alvarez

“Madami na rin akong natutunan. Growing up marami na rin akong gusto at puwedeng gawin pero walang kasing gusto sa pag-arte at sa pagki-create ng films or shows.”

“I guess this is [what] I really want to do,” dugtong pa ng aktor sa kaniyang interview with Just In host at kaniyang kaibigan na si Paolo Contis.

Pag-amin ni Gio, bata pa lamang siya ay nakitaan na siya ng kaniyang ina ng potential sa pagaartista.

“Before I started doing those VTRs for commercials, ang ginagawa ng nanay ko, kasi favorite niya si Elvis (Presley), dinodrowingan niya ako ng patilya tapos binilhan niya ako ng costume.”

“Tapos doon niya ata na-discover na puwede pala akong mag-perform e.”

Ayon pa kay Gio, isa sa kaniyang mga goal para sa kaniyang future ay ang maging direktor.

“Kasi may goal talaga akong maging direktor.

Ibinahagi rin ni Gio na parte siya ng Agosto Dos, ang film studio ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

“Hindi pala alam ng ating mga Kapuso na mayroon po tayong Agosto Dos. Kami po ni Paolo ay partners kasama ni Dingdong Dantes.”

Dahil nasa dugo ng kanilang pamilya ang pag-arte ay naibahagi rin niya na nakikitaan niya ng potensyal sa pagaartista ang kaniyang mga anak. Si Gio ay may limang anak na sina Kaylene, Ramon, Bella, Jaba, at ang bunsong si Matilda.

“Alam mo kasi it's probably in the genes e.

“I guess it's really in our genes to perform to show people what we can do. Lumalabas 'yun sa mga anak ko.

Panoorin ang naging kuwentuhan nina Gio at Paolo sa Just In.

RELATED CONTENT:

Just In: Gio Alvarez shares an update about his family | Episode 5

Just In: Gio Alvarez, isa rin palang singer?! | Episode 5