What's Hot

Gio versus TJ: Sino ang makakatuluyan ni Sandy ng 'Reply 1997?'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sto. Niño images blessed at Tondo Church during feast day
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang kilig finale ng 'Reply 1997' bukas bago mag-24 Oras. 
By AL KENDRICK NOGUERA

 
Bukas na ang finale ng inaabangan ninyong Koreanovela tuwing hapon kaya't masasagot na rin ang tanong kung sino nga ba ang nakatuluyan ni Sandy.
 
Sa kanilang high school reunion, inamin na ni Sandy na nagdadalang-tao siya ngunit hindi pa niya sinasabi kung sino ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Dalawa lang naman ang posibleng makatuluyan ni Sandy, si Gio o kaya naman ay si TJ.
 
Gio
 
Bilang kababata ni Sandy, malaki ang chance na magkatuluyan sila dahil mas close silang dalawa bagamat palagi silang nag-aaway. Kahit na malayo ang personalidad nilang dalawa ay suwak na suwak naman sila sa isa't isa. 
 
LOOK: #Throwback: Ang kabataan nina Gio at Sandy ng 'Reply 1997'
 
TJ
 
Pinaghinaan ng loob si Gio noon na aminin kay Sandy ang kanyang nararamdaman nang sabihin ng kanyang kuya na si TJ na si Sandy rin ang tinitibok ng kanyang puso. Bilang kapatid, ipinaubaya ni Gio si Sandy kay TJ.
 
Sino kaya ang pinili ni Sandy sa magkapatid na Gio at TJ? Malalaman ang sagot sa tanong na 'yan bukas ng hapon sa Reply 1997 bago mag-24 Oras.