GMA Logo Girl Next Room
What's on TV

Girl Next Room: Classroom moments | Midnight Fantasy

By EJ Chua
Published March 8, 2022 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Girl Next Room


Sina Mimi at DJ Dan, magkatabing natutulog sa kalagitnaan ng kanilang klase?

Sa katatapos lang na episode ng Girl Next Room na pinamagatang 'Midnight Fantasy,' napanaginipan na ni Mimi si DJ Dan dahil sa kaiisip dito.

Nang makatulog si Mimi habang nasa klase, kilig na kilig ang dalaga nang makita niya sa panaginip ang lalaking gusto niyang makilala na nagtatrabaho sa isang radio station.

Bigla pang napatayo ang dalaga dahil buong akala niya ay totoong pumasok ang lalaki sa kanilang classroom.

Nagising at natauhan lang si Mimi nang pagalitan siya ng kanyang teacher dahil sa madalas na pagtulog nito habang sila ay nagkaklase.

Nang mapagtanto na panaginip lang ang mga ito, isang lalaki sa kanyang tabi ang nakatulog din pala.

Kahit magkaklase na sina Mimi at DJ Dan, tila wala pa rin silang ideya na sila ang dalawang taong madalas na nagkakausap dahil sa isang radio program.

Kailan kaya nila opisyal na makikilala ang isa't isa?

Abangan ang mga nakakakilig na tagpo sa Girl Next Room: Midnight Fantasy, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GTV.

Mapapanood ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang Thai actor na si Singto Prachaya Ruangroj sa gallery na ito: