
Sa darating na Lunes, mapapanood na ang pinakahuling istorya ng Thai romantic comedy television series na Girl Next Room sa GTV.
Ito ay pinamagatang “Security love,” ang ikaapat na series na inihahandog ng Girl Next Room.
Ang istorya nito ay tungkol sa dalawang taong sobrang magkaiba ang mundong ginagalawan ngunit ilang beses pagtatagpuin ng tadhana.
Pagbibidahan ito ng Thai stars na sina Gigie Chanunphat Kamolkiriluck at Kao Jirayu La-ongmanee.
Mapapanood dito si Gigie bilang si Ava, ang rising teen star na naninirahan din sa isang all-women dormitory.
Ang Thai actor naman na si Kao ang gaganap na leading man ng karakter ni Gigie. Siya ay gaganap bilang si Chris, ang gentleman at napakabait na security guard na makikilala ng estudyanteng si Ava sa hindi inaasahang pagkakataon at sitwasyon.
Posible nga bang magkatuluyan ang isang artista at isang guwardiya?
Huwag palampasin ang kuwento nina Ava at Chris sa ikaapat na istorya ng Girl Next Room na pinamagatang 'Security love,' malapit na sa GTV.
Panoorin ang Girl Next Room at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: