GMA Logo Girl Next Room
What's on TV

Girl Next Room: Sundae needs to decide | Motorbike Baby

By EJ Chua
Published March 3, 2022 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Fair weather, isolated rains across PH on Easter Sunday
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Girl Next Room


Handa na nga bang mamili si Sundae kung sino kina Martin at Mile ang bibigyan niya ng pagkakataong makapasok sa kanyang puso?

Sa katatapos lang na episode ng Girl Next Room na pinamagatang "Motorbike Baby," isang seryosong bagay ang kailangang pag-isipang mabuti ni Sundae.

Nang magpunta si Sundae sa ospital upang dalawin ang papa ni Martin. Nagpasya ang binata na ihatid pauwi ang kanyang ex-girlfriend sa bahay nito.

Pagdating sa dorm, nagulat sina Martin at Sundae nang makita si Mile na naghihintay sa labas ng gusali.

Noong huling pagkikita ay nagkainitan pa sina Martin at Mile, ngunit ngayon ay hindi na kumibo si Martin at agad itong umalis.

Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap ni Sundae kay Mile, bigla siyang pinapili ng binata at matapang tinanong kung maaari ba silang maging magkasintahan.

Mile's proposal to Sundae

Ano kaya ang isasagot ni Sundae sa tanong ni Mile?

Sino kaya ang kanyang pipiliin sa dalawang lalaking nagmamahal sa kanya?

Abangan ang final decision ni Sundae sa Girl Next Room, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GTV.

Panoorin ang Girl Next Room at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, kilalanin ang iba pang Thai actors na napanood na sa Heart of Asia sa gallery na ito: