
Patuloy na nakatutok ang napakaraming Pinoy viewers sa nangungunang GMA drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa mga nakaraang episodes ng afternoon series, sunod-sunod na mga eksena tungkol kay Moira (Pinky Amador) ang natunghayan ng viewers.
Sa bagong episodes nito, muling babalik ang ilang mga karakter na sina Madam Giselle at Lolo Pepe, ang roles nina Dina Bonnevie at Leo Martinez sa serye.
Si Madam Giselle ang kapatid ni Doc RJ (Richard Yap), habang si Lolo Pepe naman ang kanilang ama.
Hindi dapat palampasin ang kanilang susunod na mga eksena, kung saan pag-uusapan nila sina Doc RJ at Moira.
Muli na bang magkakausap at magkakasama ang mag-aama?
Tuluyan na ba nilang itataboy ni Doc RJ si Moira sa kanyang buhay?
Ano kaya ang mga plano nina Madam Giselle at Lolo Pepe kay Moira?
Samantala, dapat ding abangan ang susunod na mga kaganapan sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc Analyn (Jillian Ward).
Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Lunes, October 9, sa serye:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: