GMA Logo Gladys Guevarra and new boyfriend Mike Navarrete
Celebrity Life

Gladys Guevarra introduces new beau in new TikTok video

By Jansen Ramos
Published April 19, 2021 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Guevarra and new boyfriend Mike Navarrete


"I think I'm now ready . . . I now have my GUARDIAN," sulat ni Gladys "Chuchay" Guevarra sa kanyang Instagram post.

Ipinakilala ni Gladys Guevarra ang kanyang bagong boyfriend sa isang sweet TikTok video na ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram account noong Linggo, April 18.

Sa kanyang post, tinawag na "guardian" ni Gladys ang kanyang non-showbiz beau na nagngangalang Mike Navarrete.

"I think I'm now ready . . . I now have my GUARDIAN. Indeed a lovely day," sulat ni Gladys, na kilala sa moniker niyang Chuchay.

Matatandaang hindi naging maganda ang past relationships ni Gladys kung saan may umabot pa sa demandahan. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya nang dumating si Mike sa kanyang buhay.

Dugtong niya, "I have come to realize that life must really continue. And that you are loved. And no matter how you felt once upon a time that you are worthless, there will still be someone out there looking for you to complete them.

"Ang happy kase, we both complete each other. Ang tagal kong pinigilan ang sarili ko, kinalaban ko ang loob ko. Pero sabi nga, hayaan lang and let it flow."

Ayon kay Gladys, pribadong tao ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso kaya natagalan siya bago niya ito ipinakilala sa publiko.

"I have too many to consider at first, bago ako nag -decide ilabas s'ya. Syempre i have to respect his privacy also. Hindi naman s'ya public na tao. But i told him, i want to share this to all. Kase nga happy ako. Hehe! So, now, we will continue muna to be happy ng tahimik lang."

Gladys Guevarra and new beau Mike Navarrete

Bago si Mike, karelasyon ni Gladys si Leon Sumagui, ang social media producer ng defunct GMA variety show na Sunday PinaSaya kung saan mainstay ang singer-comedienne.

Sa isang Facebook live video noong September 1, 2020, isiniwalat ni Gladys na tinangayan siya ng perang kinita niya sa kanyang kakanin business ng kanyang dating fiancé.

Pinabulaanan naman ito ni Leon sa kanyang YouTube account. Mariin na tinanggi ni Leon na itinakbo niya ang pera ni Gladys na naka-deposit sa kanyang account. Ayon pa sa non-showbiz personality, may hawak umano na patalim ang komedyante habang sila ay nagtatalo.

Bukod kay Gladys, may ilang celebrities din ang nasangkot sa masakit na hiwalayan noong 2020.

Kabilang diyan sina Derek Ramsay at Andrea Torres, Rhian Ramos at Israel BF na si Amit Borsok, at Sarah Abad at Jay Contreras.

Tingnan ang shocking breakups na iyan dito: