What's on TV

Gladys Guevarra, laging may kasabay na holiday ang milestones sa love life?

By Racquel Quieta
Published June 18, 2021 6:46 PM PHT
Updated February 26, 2026 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano lava flow seen —PHIVOLCS
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

gladys guevarra


Sa ano kayang holiday nasabay ang kasal nina Gladys Guevarra at ang asawa niyang si Mike?

Ang newlywed na singer at comedienne na si Gladys Guevarra, nagkuwento tungkol sa kanyang whirlwind romance sa recent episode ng Mars Pa More.

Ayon kay Gladys wala raw talaga sa plano niya ang mag-stay ng matagal sa U.S. noong una.

“Umalis ako diyan last year tapos sabi ko magpapahinga lang ako sandali. Magpapasko ako dito sa pamangkin ko tapos babalik ako diyan ng March.

“After ng March, sabi ko, 'Ay, teka lang. Mag-e-extend na pala ko kasi sabi ng uncle ko, nagbibigay din naman daw ng vaccine kahit visitor ka. So, hinintay ko na 'yung vaccine.

“So, kasabay nga nung vaccine, nagkaroon ako ng love life.”

Gladys Guevarra on Mars Pa More / Sourece: Mars Pa More

Ayon kay Gladys, nagkakilala sila ng kanyang asawa through a common friend.

At natatawa niyang ikinuwento na lahat pala ng milestone sa kanilang love life ay nataong may kasabay na holiday.

“Ito nakakatuwa kasi first date namin was March 31, pa-April Fool's, April 1.

“So, nung nag-post ako sa social media ng hawak niya 'yung kamay ko, 'Huwag mabahala. April Fool's nga, 'di ba?' Sabi ko. So, hindi ko naman ine-expect.

“After ng April Fool's, naglabas kami ng live video sa Facebook ko na kami na April 12, Linggo ng Pagkabuhay. (laughs) Pero hindi namin sadyang pinlano 'yon.

“Tapos nung nag-uusap na kami and all that, kinasal pala kami Mother's Day. (laughs) 'Di ba, ang ganda?”

A post shared by Sydalg Pascasio (@akosigladysguevarra)

Ipinaliwanag din ni Gladys kung bakit sa tingin niya mabilis ang naging pangyayari sa love story nila ng kanyang asawa na si Mike Navarete.

“Alam mo, alam kong maraming magre-react dito kasi 'di ba my life has been an open book. (laughs)

“But this time kasi, parang ano may…ito 'yung totoong masasabi kong spark.

“Ito 'yung totoong masasabi kong, 'Ay, may feelings feelings na involved.'"

At dahil nga wala pa silang isang taong naging mag-nobyo, hindi pa rin daw sila parehong sanay na may asawa, pero nakakakilig naman daw.

“Actually, pareho pa kaming ano 'yung 'pag umaga, 'Ay! May asawa na ko.'

“Kahit siya eh…'Good morning, Mrs. Guardian. Good morning, my wife.'”

At kahit wala nga sa orihinal na plano ni Gladys na mag-settle down sa U.S., handa na raw siyang mag-stay doon kasama ang asawa.

“Iya, Camille, parang binigyan na ko ni Lord ng ito. So, hindi ko na rin ito (pakakawalan). Ito na 'yon.”

Panoorin ang masayang chikahan nina Gladys Guevarra, Jackie Lou Blanco, Camille Prats, at Iya Villania sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Alamin kung sin-sino pang mga celebrity ang nagkaroon ng short wedding engagements sa gallery na ito.