
Sinorpresa ni Gladys Guevarra ang kanyang followers matapos ibahagi sa social media na siya ay muling ikinasal sa Amerika.
Ipinost niya sa Instagram noong Linggo, August 13, ang isang video kung saan hinalikan siya ng kanyang groom bago sila nagyakapan sa altar.
"Once upon a time, there lived a very lonely Princess. One day, her Knight in shining armour arrived. And they lived happily ever after," sulat ni Chuchay sa caption.
RELATED CONTENT: Celebrities who married non-showbiz people
Idinugtong niya ang #ADisGLAD #GLADitsAD #GLADYSfinallyfoundDAWAn na nagpapahiwatig ng mga pangalan nila ng kanyang non-showbiz partner na ipinakilala niyang "AD."
Ilan lamang sa mga bumati sa bagong kasal ang komedyanteng si Ruby Rodriguez na nakasama ni Gladys noon sa Eat Bulaga.
Apat na araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib, ishinare ni Gladys ang kanyang sexy bridal look.
Kalakip nito ang mensahe niya ng pasasalamat sa Diyos matapos ang kanyang "pain at heartaches."
"I thank God dahil hindi hatred ang namalagi sa puso ko," panimula ni Gladys.
"I am blessed by God din to continue to love again. And ipinaramdam din sa akin ni Papa God na hindi totoong wala ng magmamahal sa akin.
"Maraming Salamat sa Panginoon Diyos Ama na syang nagbiyaya sa akin ng lahat ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pakiramdam kong endless battles. May katapusan pala lahat ng pain at heartaches."
Ipinagpasalamat din ni Chuchay ang pagdating ng kanyang ngayo'y asawa na si AD.
Dugtong niya, "Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question.
"Hindi ako uminda sa lahat ng sakit at pagsubok, knowing mas maraming sakit, hirap at pagpapahirap ang ginawa kay Jesus.
"Iniyakan ko? Oo, pero hindi ako pinabayaan ni Lord. At mas ipinaramdam pa sa akin ng Panginoon na mas deserve ko pang lumigaya ng mas maligaya pa sa inakala kong ligaya."
Patuloy pa ni Chuchay, "To God be all the glory. Tama ang sinabi ng Panginoon, may inilaan sya para sa akin. At hindi ko kailangan magmadali.
"Ngayon alam ko na ng malinaw bakit nangyari ang lahat ng nangyari. May mas magandang plano si Lord. Kaya thank you Papa God sa lahat lahat ng ito.
"Ibinabalik ko po ang lahat ng ito sa iyo. Sa iyo po ang lahat ng aking papuri Father God. 🙏🏻 At pasasalamat sa lahat ng taong hindi ako iniwan sa ere at patuloy na nagmahal, nagmamahal at sumusuporta sa akin hanggang ngayon. 😘❤️ . . . Smile nalang ako ng smile ngayon. Let us all just spread LOVE! #ADisGLAD #GLADitsAD."
Nag-react naman sa post ni Gladys ang Sunday PinaSaya co-star niyang si Marian Rivera, at iba pa niyang nakatrabaho gaya nina Rodjun Cruz at Anton Diva.
Matatandaang May 2021 nang ikasal si Gladys sa non-showbiz personality na si Mike Navarrete na nangyari rin sa Amerika.
TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA PINILING MANIRAHAN SA IBANG BANSA: