
Proud na ipinakita ng komedyanteng si Gladys Guevarra sa Instagram ang kanyang bagong naipundar sa Amerika kung saan siya ay kasalukuyang nakabase.
Sa post niya noong Martes, August 30 (PH time), ishinare niya ang ilang larawan ng kanyang bahay sa unang araw ng pagtira niya rito.
"Day 1 . . . Finally a home I can call my own," panimula ni Chuchay sa caption.
Karugtong nito, nagpasalamat ang komedyante sa mga tumulong sa kanya para magkaroon ng sariling bahay sa U.S.
"Ang hirap, pero thank you Lord. Sa mga tumulong sa akin, ayaw nyo pabanggit pero salamat. Mik, Gui Panginoon na bahala magbalik sa inyo. Salamat ng maraming marami sa tiwala. Kay General Piapie lumabo mata ko sa papers. Sayo din brader Min, super dooper thank you. Mark, hulog ka ng langit, lam mo yan thank you bro talaga. Unang araw today, ilang araw lang, maaayos ko na to. Gen, Ok na bank natin hehe! Tapos beep beep! . . . To God Be All The Glory. Day 2, let's go!!!! . . . #keepmovingChuchay #daminagmamahal . . . Grabe kayo," dagdag niya.
Image Source: igladyschuchayguevarra (IG)
Huling napanood si Gladys sa GMA primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, na ipinalabas noong 2020 at 2021, bilang guest star.
Naging mainstay din siya sa defunct weekly musical variety show na Sunday PinaSaya, na isa mga huling regular project niya, bago manirahan sa Amerika.
Sa ngayon, mahigit isang taon nang married si Gladys sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mike Navarrete. Ikinasal sila noong May 12, 2021, tatlong araw matapos niyang ianunsyo ang kanilang engagement. Noong April 2021 lamang isinapubliko ng aktres ang kanilang relasyon.
Bago lumagay sa tahimik, naging kontrobersyal si Gladys dahil sa kanyang mga dating nakarelasyon, kabilang na ang dating live-in partner niya na aniya'y tinakbuhan siya ng pera.
NARITO ANG IBA PANG CELEBRITIES NA PINILING MANIRAHAN SA IBANG BANSA: