
Hinangaan ni Gladys ang sincerity nina Alden at Maine sa personal.
Isa marahil sa maituturing na pinakamalaking fan ng AlDub ang comedienne at former dabarkads na si Gladys Guevarra.
Sa katunayan, hindi naiwasang kiligin ng magaling na TV host and singer nang pormal niyang nakilala ang Dubsmash Queen of the Philippines kamakailan lang.
Kuwento ni Chuchay sa kanyang Instagram post, sobra siyang na-touch na naalala siya ni Maine Mendoza. Ani Gladys, hindi raw siya nagkaroon ng pagkakataon na malapitan si Yaya Dub nang minsan itong bumisita sa Sunday PinaSaya dahil sa sobrang busy raw nila ni Alden noon.
Saad ni Gladys, “Ngayon masaya ako lalo, cause I got the chance na makaharap siya, maka-usap, maka-beso, makayakap at makakulitan.”
Puring-puri rin ng former Eat Bulaga host ang pagiging sincere nina Maine at Alden sa pakikipag-usap sa kanya at very “compatible” daw ang split-screen couple.
“Promise, she's the sweetest kaya compatible sila ni Alden, kase imagine-in mo yung busy at kasikatan nila, pero pag kausap ka nila, alam mong hindi ka sino-showbiz. May sincerity, at personal ang pakiramdam ng pakikipag usap at pagtawag ng "Ate". i really don't know, i just love Alden and Maine, i just love them.”
MORE ON ALDUB:
LOOK: Thousands flock to MainChard event in a QC Mall
LOOK: Video of Maine Mendoza getting pushed by an overzealous fan goes viral