
Ibinahagi ng longtime celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang tips para mapanitiling healthy ang kanilang buhay bilang mag-asawa.
Ito ay kanilang sinagot matapos sumabak sa “Say Ni Mars, Say Ni Pars: Hidden Question Edition” segment ng Mars Pa More kamakailan.
Pagbabahagi ni Christopher, “Sa part ko, parating simplehan lang. Simplehan lang namin tapos alamin mo lang 'yung gusto mo talaga. Alam lang namin 'yung gusto namin talaga sa isa't isa.”
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)
Para naman kay Gladys, malaking bahagi sa kanilang relasyon bilang mag-asawa ay ang pananampalataya.
Aniya, “ Lagi kong sinasabing malaking bagay 'yung faith namin. Prayers, patience, [at] partnership.”
Noong January 2004, ikinasal sina Gladys at Christopher at ni-renew nila ang kanilang vows noong 2018 bilang paggunita sa silver anniversary nila.
Sa kasalukuyan, biniyayaan ang showbiz couple ng apat na mga anak na sina Aquisha, Gavin, Cristoph, at Grant.
Alamin ang iba pang kaganapan sa Mars Pa More kasama sina Gladys at Christopher sa video sa ibaba.
Para sa mas marami pang celebrity featurs tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, tingnan ang quarantined family life nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa gallery na ito.