GMA Logo Gladys Reyes at Cheska Fausto
What's on TV

Gladys Reyes at Cheska Fausto, magtatagisan sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 11, 2024 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes at Cheska Fausto


Bibigyang-buhay nina Gladys Reyes at Cheska Fausto ang isang kuwento ng pagtataksil sa bagong episode ng 'Magpakailanman.'

Ipapamalas nina Gladys Reyes at Cheska Fausto ang husay nila sa drama sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Inaanak, Inanakan," gaganap si Gladys bilang butihing ina at misis na si Mila.

Si Cheska Fausto naman ay si Didith, ang inaanak ni Mila na kukupkupin niya dahil may sakit ang mga magulang nito.

Kakailanganing magtatrabaho si Mila sa Saudi Arabia para sa kinabukasan ng anak na si Tereng, played by Shayne Sava.



Iiwan niya sa Pilipinas si Didith kasama ng asawa niyang si Rod, karakter naman ni Christian Vasquez.

Sa kanyang pagbabalik, malalaman ni Mila na may relasyon sina Rod at Didith. Lalo pa niyang ikagugulat na buntis ang kanyang inaanak!

Paano tatanggapin ni Mila ang pagtataksil na ito?

Abangan ang brand-new episode na "Inaanak, Inanakan," July 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.