
Nakilala man siya sa mga signature kontrabida roles niya noon, napatunayan na rin ni Gladys Reyes ang galing niya bilang isang comedy actress.
Kaya naman, hindi nakapagtataka na napili siya ng GMA Network na mapasama sa upcoming prequel ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
Base sa Instagram Story ng magaling na aktres, ipinasilip nito ang ilang eksena sa naging taping nila sa show.
Kasama din sa sitcom sina Bubble Gang comedian Archie Alemania, Pokwang, at ang Gameboys actor na si Kokoy de Santos, na kinumpirma kahapon na kasama din sa naturang project.
Kitang-kita naman sa post ni Gladys na masaya siya na balik-trabaho na ulit siya matapos tumama ang COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.
Matatandaan na naipamalas na ni Gladys ang husay niya sa pagpapatawa nang mapabilang sa top-rating sitcom na Bahay Mo Ba 'To (2004) bilang si Kelly Mulingtapang.
Ilang beses na rin siyang lumabas sa comedy anthology na Dear Uge. Nagmarka rin ang pagganap niya sa dating GMA Telebabad romantic-comedy na Toda One I Love (2019).
Naunang nang ianunsyo na sina Sef Cadayona at Mikee Quintos ang gaganap sa mga bidang sina Pepito at Elsa sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento.
Samantala, habang naka-season break ang original cast ng Pepito Manaloto, balikan ang ilan sa memorable throwback photos nila rito: