GMA Logo Gladys Reyes
What's on TV

Gladys Reyes, bumilib kay Barbie Forteza sa mga totoong sampalan nila sa isang serye

By Jimboy Napoles
Published April 10, 2023 7:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


Inamin ni Gladys Reyes na totoong nasaktan noon si Barbie Forteza sa matitinding eksena nila sa 'Inday Will Always Love You.'

Proud na sinabi ng batikang kontrabida na si Gladys Reyes na bumilib siya sa kapwa Kapuso actress na si Barbie Forteza nang makatrabaho niya ito sa seryeng Inday Will Always Love You noon.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, April 10, game na sumalang sa isang panayam si Gladys kasama ang TV host na si Boy Abunda.

Sa nasabing interview, pinag-usapan ng dalawa ang pagiging kontrabida ni Gladys at kung paano nito nagagawa ang mga matitinding eksena kasama ang ibang kapwa aktor.

Dito ibinahagi ni Gladys na mas maganda ang eksena kung hindi dinadaya ang mga sampalan, kung kaya't napahanga siya kay Barbie dahil totoong sakitan ang kanilang ginawa noon sa nasabing serye.

Aniya, “Sa totoo lang Tito Boy mas maganda na hindi nandadaya. I've worked with Barbie Forteza, bilib na bilib ako sa batang 'yan kasi 'yung talagang sinasaktan ko siya, totoo.”

“Nasasaktan talaga 'yung bata kasi totoong sampal. Doon mo kasi maka-capture 'yung totoong reaksyon e, kung daya, 'yung totoong pain ba maka-capture?” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Gladys, matagal niya nang pinapangarap na maka-eksena ang tinaguriang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Aniya, “Gustong gusto ko talagang maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi. Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandoon na? Baka hindi ko magawa 'yung talagang eksena.”

Samantala, mapapanood naman si Gladys sa dalawang Summer Metro Manila Film Festival film entries na Here Comes the Groom at Apag, na mapapanood sa mga sinehan hanggang April 18.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN NAMAN ANG MGA BAGONG KAPUSO KONTRABIDA NA KINABIBILIBAN NGAYON SA TELEBISYON SA GALLERY NA ITO: