
Nakisaya ang Cruz vs. Cruz stars na sina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese sa It's Showtime nitong Huwebes (January 15), kung saan sumalang sila sa segment na "Laro Laro Pick."
Bago nagsimula ang laro, masayang ipinromote ng dalawa ang finale week ng kanilang pinagbibidahang serye na Cruz vs. Cruz. Labis din ang pasasalamat ni Gladys sa mga manonood dahil sa suporta sa kanilang family drama series.
"Madlang People at mga Kapuso, sa ngalan din po siyempre ni Ms. Vina Morales, maraming, maraming salamat sa pagsuporta po ninyo sa Cruz vs. Cruz simula po sa umpisa hanggang sa huli. Huwag po kayong bibitaw sa marami pang intense na eksena hanggang Sabado po 'yan, sa finale day," ani ng aktres.
Bumisita rin kamakailan sina Gladys at Neil kasama ang co-star na si Vina Morales sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan napag-usapan ang kanilang pinagbibidahang serye.
Ayon kay Gladys, thankful at overwhelmed siya sa pagkakataon na ibinigay na bumida sa nasabing serye, na nagbigay sa kanya ng fulfillment.
"Overwhelming feeling and puro gratefulness po. Unang-una, pasasalamat sa Diyos, Tito Boy, na nabigyan ka ng ganitong oportunidad 'di ba? 'Yung bibihirang pagkakataon na, siyempre, mag-bida, bida-kontrabida sa isang teleserye na ang dami-dami mong eksena at napakabibigat ng mga eksena. Iba 'yung fulfillment kapag nakita mong nagawa mo nang tama 'yung mga eksena," pagbabahagi ng aktres.
Para naman kay Neil, isang "jackpot" na pinag-aagawan ang kanyang karakter na si Manuel ng roles nina Vina at Gladys sa Cruz vs. Cruz.
Aniya, "Bilang artista, Kuya Boy, jackpot! Bilang character, mahirap kasi may mga desisyon kang kailangang gawin, may masasaktan, may mahihirapan 'di ba. Pero bilang artista, sobrang jackpot. Bilang tao, surreal 'yung pakiramdam."
Subaybayan ang huling linggo ng Cruz vs. Cruz, Biyernes, 3:20 p.m., at 2:30 p.m. sa Sabado sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.