
Pinuri ng Primera Kontrabida na si Gladys Reyes ang kaniyang Cruz vs. Cruz co-star at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Caprice Cayetano, na gumanap bilang ang kaniyang onscreen daughter na si Jessica.
Sa Instagram, ibinahagi ni Gladys ang throwback photo nila ni Caprice, pati ang kanilang recent snaps, at bumilib ang batikang aktres sa husay ng teen star sa kaniyang role.
Nagpahayag din ng suporta ang aktres kay Caprice ngayong nasa loob na ito ng Bahay ni Kuya.
“Jessica, anak mamimiss kita! Sana mapatawad mo si Mommy sa lahat ng nagawa sa'yo."
“Caprice, you did a very good job in portraying your role in our show, 'Cruz Vs. Cruz'. Glad to have worked with you from 'Barbers Tales (Mga Kwentong Barbero)' to CVC. You have proven how dedicated you are in your craft at a young age. We are rooting for you in PBB,” sulat niya.
Bukod dito, ibinahagi ni Gladys sa last taping day ni Caprice na mamimi-miss niya ito sa afternoon drama series.
"Naisip ko siya na bigyan ng remembrance for her last day para 'di niya kami makalimutan, hindi niya ako makalimutan. And napakahusay kasi ng batang ito, kaya alam ko malayo mararating ni Caprice," pagbabahagi niya.
Kasalukuyang bumibida si Gladys Reyes sa hit family drama na Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN SI CAPRICE CAYETANO GALLERY NA ITO