
Muling bumisita ang Cruz vs. Cruz actress na si Gladys Reyes sa It's Showtime nitong Martes, July 15.
Kabilang si Gladys sa “Board Members” ng segment na “Escort of Appeals” kasama ang Kapamilya stars na sina JM Ibarra at Sofia “Fyang” Smith.
Looking radiant naman ang batikang aktres sa noontime variety show suot ang kanyang stylish outfit.
“Nagpapakita ka ng pabalat, may pa-braso, may pa-binti. 'Pag nag-away 'yung dalawang Escort of Appeals dahil sa'yo mamaya, ikaw ang umawat ha,” hirit ni Vice Ganda.
“Hinahanap ko talaga, alam mo kung sino mananalo d'yan? 'Yung matapang, matapang ang apog, kaya humanda ka kung sino ka,” sagot naman ni Gladys.
Bukod dito, nagbigay din ang aktres ng kanyang komento tungkol sa performances ng dalawang contestants at labis ang paghanga niya sa mga ito.
“Pareho kayong pogi. Pogi as in P, palaban. Over-confident kasi nga 'yung kumpiyansa n'yo, okay na okay 'yon. G, 'yung galing ninyo makipagsabayan, mapa-aktingan o Q&A, okay na okay. At higit sa lahat, I, inspirasyon dahil gusto ko 'yung sinabi ni Kramim na dapat 'yung self-worth mo, alam mo kahit ano'ng sabihin nila sa'yo,” aniya.
Sa huli, si Kramim Beraquit mula sa Barangay Don Bosco, Paranaque City ang nagwagi bilang Escort of Appeals Winner of the Day.
Samantala, bibida si Gladys Reyes sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.