
Tuwang-tuwa si Gladys Reyes sa natanggap na sorpresa mula sa MAKA co-actors sa pagdiriwang ng kanyang 48th birthday kamakailan.
Ipinakita ng seasoned actress sa kanyang Instagram stories ang birthday surprise na natanggap mula sa MAKA cast members na sina Josh Ford, Zephanie, Elijah Alejo, Ashley Sarmiento, Olive May, at Sean Lucas, kung saan binigyan siya ng cake at kinantahan.
Inside link:
"Thank you, MAKA. I love you. I'm enjoying doing MAKA," pasasalamat ni Gladys.
Hiling naman ng aktres na makasama pa siya sa mga susunod na seasons ng MAKA. Sabi niya, "Sana makasama pa ako sa maraming seasons ng MAKA."
Sa MAKA, napapanood si Gladys bilang Miss Chinchin, ang istriktong namamahala sa bagong boarding house ng MAKA barkada.
Samantala, bukod sa MAKA ay mapapanood din si Gladys sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NI GLADYS REYES SA GALLERY NA ITO: