
Time out muna ang versatile actress and host na si Gladys Reyes sa pagganap niya bilang Nanay Rosa sa prequel ng Pepito Manaloto, dahil this time sasabak naman siya sa pagpapatawa sa hit primetime sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa!
Hindi matatawaran ang galing sa comedy ni Miss Gladys na bumida rin noon sa isa pang sikat na Kapuso sitcom na Bahay Mo Ba 'To?
Sa Instagram post ng seasoned actress, taos-puso ang pasasalamat niya kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nakapag-guest siya at may patikim na rin siya sa magiging role niya sa show.
“Congratulations @marianrivera and @dongdantes on your sitcom!” she wrote. “I enjoyed my character, it's purrfect! Thank you for having me on your show. #JoseAndMariaBonggangVilla.”
Source: iamgladysreyes (IG)
Tiyak perfect Sabado night viewing n'yo kung sasamahan sina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera) sa kanilang Bonggang Villa!
Tutukan ang tawanan sa Jose and Maria's Bonggang Villa, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento!
Heto naman funny cast na bumubuo sa DongYan sitcom sa gallery na ito.