
Umani ng milyon-milyong views ang behind the scenes ng eksena ni Gladys Reyes sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
Sa video na in-upload ng GMA Network sa Facebook, napapanood ang behind the scenes ng eksena ni Gladys bilang Hazel at kita rito ang labis na emosyon ng kanyang karakter kung kaya't nasampal niya ang mga guard na nakahawak sa kanya.
Matapos ito, agad na humingi ng paumanhin ang seasoned actress sa mga guard na naka-eksena niya.
“Sorry po!” ani Gladys.
Dagdag pa niya, "Sorry po, 'yun po ay kasama po sa script."
Kasalukuyang may mahigit five million views at higit 40,000 na likes ang naturang behind the scenes video sa official GMA Network Facebook page.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day