
Nagdadalamhati ang versatile TV-movie actress na si Gladys Reyes nang malaman ang pagpanaw ng seasoned actress na si Jaclyn Jose.
Ayon sa impormasyon na ibinigay ni Andi Eigenmann kahapon, namatay dahil sa heart attack ang kaniyang ina noong March 2.
Isang video ang inupload ni Gladys sa kaniyang Instagram kung saan masaya siyang nakikipag-kulitan kay sa magaling na aktres. Makikita pa na nagpamalas si Jaclyn ng galing niya sa pagsasalita ng Kapampangan.
Nagkatrabaho niya si Jaclyn sa pelikulang Apag na dinirehe ni Brillante Mendoza na siyang direktor din ni nito sa Maˊ Rosa, kung saan itinanghal siya na Best Actress sa 2016 Cannes Film Festival.
Ayon sa Black Rider star, hindi nito malilimutan ang ginawa nito pag-aalaga sa kaniya.
Saad nito, “Nakakagulat, nabigla tayong lahat 😢 ang dami naming pinagsamahan, simula 9 years old ako sa Lovingly Yours Helen hanggang dito sa huling movie na Apag, di sya nagbago sakin.
“Isa itong vlog na to sa di ko makakalimutan na masayang bonding namin sa set.”
Pagpapatuloy niya, “Di ko makakalimutan lahat ng tips, pag-aalaga sakin na parang ate talaga. Nabawasan na naman ng isang magaling at de kalibreng aktor ang industriya.
“Mamimiss namin ang nag-iisang Jaclyn Jose @jaclynjose.”
Bumuhos din ang pagpupugay ng mga naglalakahing bituin sa show business tulad nina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Iza Calzado at marami pang iba para kay Jaclyn Jose.
RELATED CONTENT: CELEBRITIES MOURN THE DEATH OF JACLYN JOSE