What's on TV

Gladys Reyes, nasampal ng malakas ni Maricel Soriano?

By Dianne Mariano
Published September 2, 2021 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


Ano kaya ang nangyari at nakatikim ng sampal si Kapuso actress Gladys Reyes mula kay Maricel Soriano?

Ibinahagi ni actress-entrepreneur Gladys Reyes na humiwalay ang kanyang kaluluwa nang masampal ito ni Maricel Soriano.

Sa nakakatuwang segment na “Lightning Laglagan” ng Mars Pa More kamailan, sinagot nina celebrity moms Gladys Reyes at Sherilyn Reyes-Tan ang nakaka-intrigang tanong nina Mars hosts Iya Villania-Arellano at Camille Prats.

GLADYS REYES

Gladys Reyes on Mars Pa More as a featured guest. / Source: Mars Pa More (Facebook)

Nang tanungin si Gladys kung sino ang pinaka nami-miss nitong artista na makatrabaho, ito raw ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Paliwanag ng aktres, “Kasi siya pa lang yung sumampal sa akin doon sa movie at talagang totoo ang mga bali-balita na malakas nga talagang sumampal si Inay Maria.

“Dahil talagang humiwalay ng kaunti yung kaluluwa ko sa pagkatao ko.

“Pero bumalik naman agad agad, mga ilang segundo lang tapos okay na, natauhan na kaagad ako.”

Tinanong naman ni Camille kung sino ang gusto masampal ng aktres sa kanyang most wicked kontrabida role.

“Siyempre, si ate Guy at saka si Ms. Vilma Santos.

“Karangalan 'di ba? masampal mo ang superstar at ang star for all seasons, why not? Tsaka may lisensya ka,” nakakatawang sagot ni Gladys.

Panoorin ang nakatutuwang “Lightning Laglagan” segment at alamin pa ang kuwento nina Gladys Reyes and Sherilyn Reyes-Tan sa Mars Pa More video sa itaas.

Kapag hindi naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maari itong mapanood DITO.

Para sa mas marami pang celebrity features gaya nito, patuloy na panoorin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.

Samantala, muling tignan ang quarantined life ng pamilya ni Gladys Reyes sa gallery na ito: