GMA Logo Gladys Reyes
Courtesy: iamgladysreyes IG
What's Hot

Gladys Reyes, new celebrity guest sa Bahay Ni Kuya

By EJ Chua
Published February 14, 2026 9:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Memorial held for victims of mass shooting in Tumbler Ridge, BC, Canada
Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras
Mga Balay sa mga Retiradong Air Force sulod sa Mactan Airbase, Gipangguba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


Nag check-in sa PBB Hotel ang Primera Kontrabida at 'Cruz vs. Cruz' star na si Gladys Reyes!

Isang seasoned actress ang bagong bisita sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Dumating sa iconic house na ngayon ay PBB Hotel ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes.

Dito ay muli niyang nakita ang kanyang anak sa Cruz vs. Cruz na si Jessica, ang role ni Caprice Cayetano sa serye.

Nagkaroon sila ng makulit na usapan ni Caprice at bukod dito ay nakipag-bonding siya sa iba pang Kabataang Pinoy housemates.

Ano kaya ang task niya sa loob ng Bahay ni Kuya?

Bago pa ito, bumisita sa Big Brother House ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition gaya nina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Kira Balinger, Xyriel Manabat, at iba pa.

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.