
Kabilang ang seasoned actress na si Gladys Reyes sa showbiz personalities na kinilala sa 3rd Gawad Dangal Filipino Awards.
Pinangaralan ang Cruz vs. Cruz star bilang Outstanding High-Calibre Actress of the Year. Labis ang pasasalamat ng aktres sa award-giving body para sa recognition na kanyang natanggap.
“Maraming salamat po sa Gawad Dangal Filipino Awards,” sulat niya sa kanyang Instagram post.
Noong August, pinarangalan si Gladys bilang isa sa FAMAS Child Icon of Philippine Cinema sa sa naganap na 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
Kasalukuyang bumibida si Gladys Reyes bilang Hazel sa hit drama na Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz,' kilalanin!