GMA Logo Gladys Reyes
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Gladys Reyes, sinagot ang mga paratang?

Published July 6, 2025 6:38 PM PHT
Updated July 16, 2025 1:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Artemis astronauts more than halfway to Moon, putting Earth in rearview
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


“Paawa ka, pa-victim. Hindi mo naman sinasabi 'yung totoong kuwento,” mariing sinabi ni Gladys Reyes sa babaeng nagngangalang Felma.

Nagpahayag ang aktres na si Gladys Reyes ng kanyang saloobin matapos mag-viral ang video ng misis ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Sa official Facebook pages ng GMA Network at GMA Drama, mapapanood ang video ng Cruz vs. Cruz star na sinagot ang mga paratang sa kanya ng babaeng nagngangalang Felma.

“Legal na misis ng OFW na nag-viral kamakailan, SUMAGOT SA MGA PARATANG! Sa video na kanyang pinost sa social media na sagot sa video ng orihinal na misis ng kanyang asawa, matapang niyang pinagdiinan na siya ang pinakasalan kaya hindi siya ang mang-aagaw!” sulat sa caption.

Kasalukuyan itong may mahigit one million views sa official Facebook page ng GMA Network at mahigit 100,000 views sa GMA Drama Facebook page.

May kinalaman kaya ito para sa pagbibidahan niyang GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz?