GMA Logo Gladys Reyes and Vina Morales in Cruz vs Cruz
What's Hot

Puksaan nina Gladys Reyes at Vina Morales, abangan sa 'Cruz Vs. Cruz'!

By Aedrianne Acar
Published March 15, 2025 11:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes and Vina Morales in Cruz vs Cruz


Sinu-sino ang mga artista na makakasama nina Gladys Reyes at Vina Morales sa 'Cruz Vs. Cruz'?

Mahusay na acting performance at siyempre, matinding puksaan ang dapat abangan ng viewers sa much-awaited drama series na Cruz Vs Cruz na pagbibidahan nina Gladys Reyes at nagbabalik-Kapuso na si Vina Morales.

Dito, makakasama ng dalawang magaling na aktres sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, at marami pang iba.

RELATED CONTENT: Vina Morales is an ageless beauty

Sa panayam ng Chika Minute kay Vina Morales, may payo siya sa fans na makakapanood ng Cruz Vs Cruz.

Aniya, “Hindi naman naubos ang luha ko, pero out of 25 scenes actually all of the scenes were me and puro iyakan. So, maghanda ho kayo ng tissue ha.”

Ibinida naman ng versatile TV-movie star na si Gladys Reyes na bukod sa tapatan na mangyayari sa kanila ni Vina, may first-time din siya ginawa sa soap.

Ano kaya ito?

“Tarayan, sagutan. Yun talaga puksaan ang mangyayari. Meron akong ginawa dito na in my 40 years existence in the showbiz industry ngayon ko lang ginawa.” sabi ni Gladys.

Samantala, motivated naman ng hunk na si Pancho Magno na ibigay ang best niya sa Cruz Vs Cruz dahil sa mga dekalibreng actor na ka-eksena niya.

Lahad ni Pancho sa 24 Oras, “Yung physicality nito more on emotional. Ka-eksena ko I mean, 'di ba talagang mamo-motivate ka na ibigay 'yung more than 100%.”