
Inilabas na ang teaser para sa GMA adaptation ng classic '80s movie na Nagbabagang Luha na base sa comic novel ni Elena Patron.
Si Glaiza De Castro ang gaganap bilang Maita, orihinal na binigyang-buhay ni Lorna Tolentino. Samantalang ang 22-year-old rising star naman na si Claire Castro, anak ng '90s stars na sina Raven Villanueva at Diego Castro, ang gaganap bilang Cielo, orihinal na binigyang-buhay ni Alice Dixson.
Na-excite ang netizens nang banggitin nina Glaiza at Claire ang mga linyang tumatak noon sa 1988 opus ng National Artist for Cinema na si Ishmael Bernal sa TV adaptation ng pelikula na may parehong pamagat.
Dama ang galit at emosyon sa mga mata ni Glaiza nang magharap sila ni Claire at nagbitiw ng mga nagbabagang na salita in-character.
Sa mga hindi pamilyar sa pelikula, narito ang clip na pinaggayahan ng nasabing eksena:
Mapusok at palabang nakababatang kapatid ni Maita si Cielo. Noon pa man, may crush na ito kay Alex na asawa ng kanyang ate. Sa kabila nito, patuloy pa ring nahulog si Cielo kay Alex dahil maalaga at protective ito sa kanya. Sa murang kaisipan ni Cielo, iniisip niyang baka gusto rin siya ni Alex. She becomes madly and deeply in love with Alex, both the teenager way and the twisted way.
Ayon sa isang netizen, nakita raw nila kay Glaiza si Pirena, ang iconic role niya sa telefantasya ng GMA ng Encantadia.
Lalo pang na-excite ang mga manonood nang banggitin ni Glaiza bilang Maita ang mga salitang "ipapalibing kita" bilang tugon sa pagmamakaawa ni Cielo na "ikakamatay" niya kapag kinuha si Alex sa kanya.

Bukod kina Glaiza, Rayver, at Claire, kabilang din sa stellar cast ng Nagbabagang Luha sina Mike Tan at Ms. Gina Alajar.
Tampok din dito sina Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Ralph Noriega, Karenina Haniel, Bryan Benedict, at Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose sa isang espesyal na pagganap.
Ang Nagbabagang Luha ay pinangungunahan nina GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, VP for Drama Redgie A. Magno, AVP for Drama Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Redynn Alba, at Senior Executive Producer Winnie Holis-Reyes.
Ang creative team ng upcoming GMA afternoon series ay binubuo nina creative director Aloy Adlawan; creative head for afternoon block RJ Nuevas; creative consultant Des Garbes- Severino; head writer Rona Lean G. Santos; writers Renato Custodio Jr., Maria Zita Garganera, Kenneth, Angelo C. Enriquez, Liberty L. Trinidad, at Loi Argel Nova.
Kasama ang second unit director na si Phillip Lazaro, ang Nagbabagang Luha ay mula sa direksyon ng veteran actor na si Ricky Davao.
Samantala, narito ang pasilip sa lock-in taping ng serye sa Laguna: