
Puno ng excitement ang Kapuso at A'TIN fans nang pumasok si SB19 Justin de Dios sa mundo ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Sa kanyang unang paglabas kagabi bilang si EC'NAAD, Punong-Bantay sa Pintuan ng Devas, agad pinahanga ni Justin ang viewers. Mula sa kanyang costume hanggang sa intense fight scenes, kaagad kinagiliwan ang P-pop star sa social media.
Hindi lang ang mga manonood ang napabilib, kundi pati na rin ang mismong cast ng superserye.
Sa isang report ng 24 Oras, ibinahagi nina Glaiza De Castro at Angel Guardian ang kanilang paghanga sa P-pop star. Nakasama nila ito sa mga ilang eksena nang nagtungo ang mga Sang'gre sa Devas at hinarap ang mga pagsubok ni EC'NAAD.
"Kasi, mukha talaga siyang taga-Devas. Belong na belong siya sa aesthetic at sa feels ng Encantadia," ani Glaiza.
"I think, bumagay talaga sa kanya perfectly 'yung role na EC'NAAD at nakita ko rin na he care so much about the role. Kasi pagdating niya noon, he's prepared. Alam niya na lines niya, alam niya 'yung movements gagawin niya. Ang saya din kasi na-apply niya rin 'yung pagiging dancer niya."
Samantala, proud din si Angel na makatrabaho ang SB19 member.
"Pride ng Pilipino ang SB19 and to be able na makatrabaho si Justin," pahayag niya. "Dahil din siguro dancer siya kaya ang bilis niyang pumick-up ng choreography ng fights. Alam ko excited na ang fans ng SB19."
Nagpasalamat naman si Justin sa mainit na pagtanggap ng buong cast at production team ng GMA superserye.
"Nagkaroon po kami ng session and during the shoot kinekwentuhan po nila ako sa kung ano ang nangyayari sa set. 'Di ko po na-feel na left-out ako or parang bago ako. Kahit short lang po 'yung time namin together to work, parang mahabang time na 'yung pagsamahan," sabi ng P-pop star.
Patuloy na mapapanood si Justin at ang buong cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Balikan ang ilang reaksyon ni SB19 Justin nang mapanood ang kanyang mga eksena sa Sang'gre rito: