
Looking forward ang magkaibigan na sina Glaiza De Castro at Angelica Panganiban sa 2025 Metro Manila Film Festival sa darating na December 25.
Parehong may entry ang dalawang versatile actress sa filmfest. Kasama si Glaiza sa 'Barboys: After School' kung saan bida sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Will Ashley, Klarisse de Guzman, Therese Malvar, at marami pang iba.
Samantala, nagbabalik sa big screen si Angelica sa 'Unmarry' kung saan katambal niya si Zanjoe Marudo.
Sa Instagram post ni Angelica ngayong Sabado (December 20), pareho niyang kinampanya online ang pelikula nila ni Glaiza.
Post niya, “TWOday I've got so much to be thankful for
“UNMARRY the barboys in cinemas December 25.”
Ni-repost naman ni Glaiza sa kaniyang Instagram Story ang groufie nila with Zanjoe at Kean.
Kabilang din sa 51st Metro Manila Film Fest ngayong taon ang mga entries na: 'Call Me Mother,' 'I'm Perfect,' 'Love You So Bad,' 'Manila's Finest,' 'Rekonek,' at 'Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.'
RELATED CONTENT: MMFF 2025 entries and their MTRCB ratings