GMA Logo Glaiza De Castro, David Rainey with Boy Abunda
Celebrity Life

Glaiza De Castro at David Rainey, matagal nang plinano ang dalawang kasal

By Jimboy Napoles
Published January 24, 2023 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro, David Rainey with Boy Abunda


Inamin nina Glaiza De Castro at David Rainey sa 'Fast Talk with Boy Abunda' na matagal nang nakaplano ang kanilang muling pagpapakasal sa Pilipinas.

Ibinahagi ng newlyweds na sina Glaiza De Castro at David Rainey sa isang exclusive interview Fast Talk with Boy Abunda na matagal na nilang plinano ang ikasal ng dalawang beses.

Kahapon, araw ng Lunes, January 23, muling ikinasal sina Glaiza at David sa Zambales kung saan dumalo ang kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

Isang Filipiniana-themed beach wedding ang napili ng dalawa para sa kanilang ikalawang kasal.

Ayon kay Glaiza, may mahalagang ambag ang dagat sa relasyon nila ng kanyang asawa na si David kung kaya't malapit din sa dagat sila muling ikinasal.

Kuwento ni Glaiza, “Very significant po sa amin ang dagat, nag-meet kami malapit sa dagat, nag-propose siya sa akin sa harap ng dagat, 'kinasal kami sa Ireland sa harap din ng dagat, and we wanted to continue that.”

Sa panayam nila kay Boy, ibinahagi rin ng aktres ang naging pundasyon ng kanilang relasyon ni David sa kabila ng pagiging magkaiba nila ng lahi at kultura.

Aniya, “Kahit saan galing ang taong minamahal mo, 'yung foundation talaga dapat ang i-build niyo, which is 'yung love. It sounds cheesy but, 'yun talaga 'yung dapat i-work on.”

Dagdag pa niya, “It doesn't matter kung saan siya galing, kung malayo siya, iba ang kultura niya, iba 'yung nationality niya pero that's the connecting factor talaga, pag-ibig.”

Mapapanood ang Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG FILIPINIANA-THEMED BEACH WEDDING NINA GLAIZA DE CASTRO AT DAVID RAINEY SA GALLERY NA ITO: