
Inamin nina Glaiza de Castro at Gabby Eigenmann na naging malapit na sila sa isa't isa matapos bumida sa 2014 GMA Afternoon Prime series na Dading.
Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 10, “Would you do a love scene together?”
Sinagot ng Encantadia Chronicles: Sang'gre actors ang tanong ng batikang host ng tawa. Sabay sabi ni Glaiza na,"Parang natatawa ako, Tito Boy. Parang kapag iniisip ko, parang kung kaibigan mo 'yung ka-love scene mo, parang medyo iba 'yung dating.”
Ayon sa aktres, kakailanganin niya ng matinding concentration para magawa 'yun. Gayundin, kailangan ng masinsinang pag-uusap sa kani-kanilang mga asawa na sina David Rainey at Apples Arizabal-Eigenmann.
Halos ganito rin ang sagot ni Gabby, “Hindi ko rin ma-imagine. Actually, it didn't cross my mind.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA INSEPARABLE CELEBRITY BFFS SA GALLERY NA ITO:
Samantala, sa mga teleserye, lalo na sa action series, hindi maiiwasan na magkaroon ng pisikal na komprontasyon. At bilang magkaibigan, tinanong sila Glaiza at Gabby kung gaano kadali o kahirap ito para sa kanila.
Para kay Glaiza, mas madali para sa kaniya pagdating kay Gabby dahil wala na silang inhibitions sa isa't isa.
“If ever may physical scenes na kailangan aming gawin, napapagusapan namin, hindi ako nahihiya sa kaniya. Parang anything, puwede kong gawin with him sa eksena kasi kumportable ako sa kaniya,” sabi ng aktres.
Isang halimbawa ng pagiging kumportable nila sa isa't isa ang ginawa nilang kissing scenesa GMA Afternoon Prime series na Dading (2014). Kuwento ni Gabby, bilang gay father sa serye ay nagseselos ang karakter niya sa karakter ni Glaiza, na mayroong karelasyon na straight.
Pag-alala ni Gabby, “'Ano ba ang nahanap mo sa kaniya na wala sa akin? Ito ba ang gusto mo?' So, hinalikan ko siya pero 'yung eksena, pilit ko siyang hinalikan kasi, hindi kasi gay ako, e, hindi ko gusto.
“Pero sa kaniya, parang it was like we were really playing the character. It didn't feel na it was me or it was Glaiza, it was Carding and Beth,” sabi ng aktor.
Panoorin ang panayam nina Glaiza at Gabby sa video sa itaas.