GMA Logo Glaiza de Castro, Gabby Eigenmann
Source: glaizaredux (IG), gabbyeigenmann (IG)
What's on TV

Glaiza De Castro at Gabby Eigenmann, nagba-bonding sa K-Pop

By Kristian Eric Javier
Published July 13, 2025 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro, Gabby Eigenmann


Alamin kung papaano nagsimula ang bonding nina Glaiza De Castro at Gabby Eigenmann sa K-Pop.

Hindi maipagkakaila ng Encantadia Chronicles: Sang'gre co-stars na sina Glaiza De Castro at Gabby Eigenmann na naging malapit silang magkaibigan, at isa sa mga bonding nila sa labas ng showbiz ay ang hilig nila pareho sa K-Pop.

Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 9, ikinuwento nina Glaiza at Gabby kung papaano nagsimula ang kanilang friendship. Ayon sa dalawang Kapuso actor, nagsimula ito noong bumida sila sa 2014 GMA Afternoon Prime series na Dading.

“May isang eksena kami na sabi niya, 'I think meron na'kong bagong friend.' Kasi meron siyang isang mahirap na eksena sa Dading, I think that was that time na nag-connect kami talaga instantly,” pagbabahagi ni Glaiza.

Ngunit isang hindi inaasahang bagay na nadiskubre ni Glaiza kay Gabby ay ang hilig nito at ng kanyang asawa sa K-Pop. Kuwento ng aktres, pina-follow ni Gabby ang K-Pop group na EXO, at siya naman ay fan ng BIGBANG.

“Parang nagulat ako, 'K-Pop ka rin pala? K-Pop fan ka rin pala?' Tapos ayun, nagkakausap na kami about mga fan meets, concerts,” kuwento ni Glaiza.

Kuwento pa ni Gabby, may pagkakataon din na niyaya niya si Glaiza na manood ng concert ng BIGBANG leader at soloist na si G-Dragon, na nagtanghal kamakailan lang sa Manila.

Pag-alala ng aktor, “Niyaya ko siya, 'Gusto mong mag-G-Dragon? G-Dragon is coming to Manila.' Of all people, dapat hindi ko na niyayaya. Kumbaga, 'Halika na,' wala nang tanong kung gugustuhin mo bang sumama. Hindi, game naman siya. That's how it started.”

Ngayon ay maituturing nila ang isa't isa bilang matalik na kaibigan. Sa katunayan, pagbabahagi ng aktor, ay naging takbuhan nila ang isa't isa tuwing may pinagdadaanan na may kinalaman sa showbiz industry.

“Minsan may mga frustrations ka, like 'Bakit ganito, bakit ganyan.' Sometimes, you get overworked. Siya 'yung una kong tinatawagan kasi siya 'yung nakakaintindi sa same situation,” pagbabahagi ni Gabby.

Saad pa ng aktor, maging si Glaiza ay natatawagan din siya kapag may pinagdadaanan ito.

“'Pag tatawag siya sa'kin, minsan she surrenders, 'Ayoko na. Palitan na nila ako. Pagod na'ko.' Ako naman 'yung 'Hindi, kumapit ka lang, kaya nga kami nandito, para suportahan ka,'” pagbabahagi ni Gabby.

Panoorin ang panayam kina Glaiza at Gabby dito:

TINGNAN ANG ILAN SA MGA CERTIFIED K-POP AT K-DRAMA FANS NA PINOY CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: