
Sa lahat ng star-studded pairings sa Stars on the Floor, ramdam nina Glaiza De Castro at JM Yrreverre na match ang kanilang energy kaya gusto nilang maka-duo ang isa't isa sa dance floor.
Noong Sabado, July 19, natupad na ang wish nina Glaiza at JM dahil naitawid nila ang kanilang nakakatuwang samba performance.
"Gusto kitang maka-partner teh," sabi ni Glaiza kay JM sa highlights video.
"Actually, pinag-isipan ko na si Ate Glaiza na talaga 'yung pipiliin ko. Wow, sobrang tinalikuran si Faith," ibinuking ni JM.
Ibinahagi ni Glaiza na hindi niya ine-expect na samba ang magiging dance genre nila.
Todo ready rin ang aktres sa kanilang rehearsal at nagsuot ito ng dress at heels para ma-perfect ang kanilang practice.
Samantala, sa ikatlong linggo ng Stars on the Floor, itinanghal sina Thea Astley at Dasuri Choi bilang 3rd top dance star duo.
Sa susunod na episode, makakapareha naman ni Glaiza si Kakai Almeda, habang si JM ay si Rodjun Cruz.
Tutukan ang energetic dance moves nina Glaiza at JM sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin dito ang iba pang celebrity at digital dance stars ng Stars on the Floor: