
Simula nang sila ay maging final dance star duos sa Stars on the Floor, nanatiling number one leaderboard sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre, na tinawag na “dreamstar duo.”
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, September 15, inamin nina Glaiza at JM na nais talaga nila maka-duo ang isa't isa.
“Ako, Tito Boy, I was really eyeing for JM. Sinabi ko talaga 'yun sa isa mga producers namin,” sabi ni Glaiza.
Paliwanag nito, “Kasi, the first time I saw him, parang may magnetic force na sumapi rin sa akin, siguro ang powerful niya ring gumalaw and gusto ko maging gano'n.”
Habang si Glaiza naman ay excited na maka-duo si JM, nakaramdam naman muna ng takot si JM na makapareha ito sa dance floor.
“Noong una sinabi ko talaga sa kaniya na takot po talaga ako kay Ate Glaiza kasi dumating siya very serious mode po siya, parang ako 'E, bata pa lang po ako, napapanood ko na siya,'” inamin ni JM.
Ikinuwento ng digital dance star na na-feel niya daw na mahihiya lang siya palagi kay Glaiza kapag sila ang naging final dance star duo.
“Pero simula noong nagkaroon ng permanent duo, parang naging ate ko na po talaga siya sa lahat ng bagay,” sabi ni JM.
Para sa mga susunod na episode, sabi ng mag-duo na sila ay “confident” pa rin kahit naungusan sila ng mag-duo na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa isang episode.
“Ano lang po ito, setback for a comeback. I think kami parati naman kaming confident ni Ate Glaiza pero never kami complacent with whatever challenge that is given to us. We make sure na, ah okay, ito 'yung storyline, we want to deliver it right. Dapat hindi lang siya nagta-translate sa movement, basta arte. Sayaw pa rin po talaga,” sabi ni JM.
Ang huling panalo nina Glaiza at JM ay nagwagi sila bilang 6th top dance star duo.
Abangan pa ang mas nagiinit na performances nina Glaiza at JM sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin dito ang digital dance star na si JM Yrreverre: