
Kilala sa kanilang husay sa pagsayaw sa Stars on the Floor, isa ring mapagmahal na mga anak ang dreamstar duo na sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre.
Sa panayam sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, September 15, emosyonal na inalala nina Glaiza at JM ang kanilang mga yumaong ama.
“'Yung Dad ko po kasi, very vocal siya sa akin about who he wants me to be, and so, I was really careful all the times na I was with him, with the words I wanted to say,” ikinuwento ni JM tungkol sa kaniyang ama.
Nagbigay din ng mensahe ito para sa kaniyang ama ngayong naaabot na niya paunti-unti ang mga pangarap niya.
“Now na I have found myself, I think I would say it in a way na 'Pa, kung ano man ako, kung sinuman ako ngayon, sana matanggap mo ako. Gagawin ko po 'yung lahat-lahat, actually po lahat ng mga pangarap niya for me, 'yun po 'yung motivation ko hanggang ngayon na makapagtapos ng college, maka-graduate ng UP, mag-cum laude sa UP, 'yun po lahat, ginawa ko po lahat despite of everything,” sabi ni JM.
Dagdag pa niya, “Pa, sana proud ka sa akin and gagawin ko lahat para maging masaya ka at masaya 'yung family natin. I love you and maraming, maraming salamat sa paggabay sa bawat araw na nandito ako and sa bawat araw na nakakasayaw ako, ginagawa ko 'yung pangarap ko.”
Samantala, ikinuwento naman ni Glaiza ang huling moment nito sa kaniyang ama na yumao nitong July.
“Actually, Tito Boy, naikuwento ko ito sa mga ibang kaibigan ko. Noong time na ipinapasok 'yung coffin niya, noong first day ng wake niya, pinapatugtog ko 'yung playlist niya kasi I created a playlist for him na mga paborito niyang songs. So, noong pinapasok na sa room niya, biglang tumugtog, 'Boogie Wonderland,'" sabi ni Glaiza.
Inamin ni Glaiza na napatanong ito kung mayroon bang hatid na mensahe ang kaniyang ama dahil naikuwento rin nito na pagkabalik niya sa trabaho sa Stars on the Floor ay nagkaroon sila ng isang piece na naramdaman niyang konektado sa kaniyang ama.
“After over a month na hindi kami nagte-taping for Stars on the Floor, ang emotion na napunta sa amin, 'yung piece namin was joy, and then 'yun parang sinasabi ni Tatay na wag malungkot, siyempre mami-miss namin siya, pero masaya ako na natapos na 'yung paghihirap niya at nakasama ko siya at namaximize ko 'yung time ko with him na wala akong regret na ipakita ko sa kaniya 'yung pagmamahal ko sa kaniya,” ikinuwento ni Glaiza.
Abangan pa ang mas nagiinit na performances nina Glaiza De Castro at JM Yrreverre sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na inalala ang kanilang mga yumaong ama: